Vice Ganda, Ion Perez, kinasuhan na

0

MATAPOS ang pambansang kontrobersiya nina Vice Ganda at Ion Perez sa programang It’s
Showtime sa Isip-Bata segment nitong Hulyo 25, nahaharap ang dalawa sa kasong kriminal na
isinampa laban sa kanila.


Nitong Lunes, Setyembre 11, naghain ang Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas,
Inc. (KSMBPI) ng kasong kriminal, laban kina Vice Ganda (a.k.a. Jose Marie Borja Viceral) at live-
in partner nito na si Ion Perez (a.k.a. Benigno Dungo Perez).


Kumatawan sa KSMBPI si Atty. Leo Olarte. Kasama niyang naghain ang ilang opisyal ng grupo sa
Quezon Prosecutor’s Office.


Kinasuhan sina Viceral at Perez nang paglabag diumano sa Article 201 ng Revised Penal Code na
nagbabawal sa mga dokrinang immoral, malalaswang publications, at pagpapakita nang kalaswaan o bastos na mga palabas. May parusa ito na hindi hihigit sa anim na taong pagkakakulong at multang mula sa P6,000 – P12,000, o pagkakakulong at multa ayon sa diskresyon ng Korte.


Idinidiin ng naturang batas na sakop nito ang lahat ng uri nang pagpapakita, pagpoproklama,
expounding o pagpapalawak ng kahit na anong gawain o doktrina na labag sa pamantayang moral
ng higit na nakararaming tao. Pasok din ang reklamo sa Republic Act No.10175, o Cybercrime
Prevention Act of 2012.


Nag-ugat ang kaso sa mahalay diumano na eksena nina Vice at Ion sa Isip Bata segment ng It’s
Showtime na kung saan, nagsubuan ang dalawa ng cake icing at dinidilaan ang kani-kanilang daliri habang papikit-pikit at nag-iimagine nang tila-kalaswaan.


Nauna nang sinsuspindi ng MTRCB ang programa sa loob ng 12 araw, at binigyan sila ng 15 araw
para maghain ng motion for reconsideration.


Sinikap ng BraboNews na hingin ang panig ng kampo nina Vice, pero nabigo kami.

About Author

Show comments

Exit mobile version