‘Work and play’ visa ng Australia, Pilipinas

0

PWEDE nang magtrabaho habang nagbabakasyon!


Ito ang pinagkasunduan ng gobyerno ng Pilipinas at Australia, matapos mapag-usapan ang pag-i-
issue ng multiple-entry visas sa kani-kanilang mamamayan na nais magtrabaho habang
nagbabakasyon.


Ang kasunduan o memorandum of understanding (MOU) ay nilagdaan nina Department of Foreign
Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo at Australian Ambassador to the Philippines Kyong Yu sa
Malacañang. Ito ay kasabay sa ginawang official visit ni Australian Prime Minister Anthony
Albanese sa bansa nitong Setyembre 8.


Ayon sa MOU, bibigyan ng multiple entry visa na hindi lalampas sa 12 buwan o isang taon, ang
mga turistang Pilipino at Australians na nais magbakasyon at magtrabaho, para masulit ang kani-
kanilang gastos.


Open o bukas ang “work and holiday visa” para sa mga Pilipino at Australians, edad 18-31 na
college graduates o kaya ay nakakumpleto ng dalawang taong college education o post-secondary
education.


Pwede lamang makapagtrabaho ang may “work and holiday visa” sa loob ng panahon ng kanilang
pagbabakasyon.


Kailangan ding matugunan ng bawat aplikante ang mga kahilingan ng bawat gobyerno sa aspeto
ng kalusugan, national security, at karakter. Mandatory requirement din ang pagkakaroon ng
medical insurance na epektibo sa buong panahon ng kanilang pagbabakasyon.

About Author

Show comments

Exit mobile version