Pinoys, ligtas sa lindol sa Japan; 100,000 residente, inutusang mag-evacuate

0

Ibinalita ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon, Martes, na walang
casualties na mga Pilipino sa malakas na lindol sa Japan, nitong Enero 1.


Ayon kay DFA Usec. Eduardo de Vega, wala silang natatanggap ng report kung may
nasaktang Pilipino o OFWs sa magnitude 7.5 na lindol na yumanig sa Ishikawa
prefecture, Chūbu region, Honshu island, na pumatay sa 30 biktima.


Ang Ishikawa prefecture ay may 1.15 milyong residente at 1,300 dito ay mga Pilipino.


Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), 159 mga Pilipino ang
inilikas sa Minamigawa Elementary School na kung saan, sila’y binigyan ng mga kumot
at maiinom na tubig. Sa bilang na ito, 157 na ang nakauwi ng Martes ng hapon.


Dahil sa malakas na lindol, nag-trigger ito ng mga sunog, nag-resulta sa pagbagsak ng
ilang gusali, at tsunami alerts.


Nag-utos din ang Japan Meteorological Agency  ang agarang evacuation ng halos
100,000 residente mula sa siyam na prefecture sa kanlurang bahagi ng Honshu Island.


Hinihintay pa ng DFA ang latest reports ng ating embahada sa Japan, pati na asosasyon
ng mga Pilipino sa Honshu Island.

About Author

Show comments

Exit mobile version