Maralitang kababaihan, binigyang pugay sa National Women’s Month

Share

BINIGYANG pugay ng Philippine Commission for Women (PCW) kasama ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ang papel ng mga maralitang kababaihan sa idinaos na National Women’s Month na ginanap noong Marso 5, 2025 sa Music Hall ng SM Mall of Asia sa Pasay City.

Binigyang-diin ng selebrasyon ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa pagtataguyod ng mas inklusibo at progresibong bansa batay sa tema nito ngayong taon na “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas.”

Aktibong nakibahagi sa programa ang PCUP sa pamamagitan ng paglatag ng kanilang mga serbisyo at inisyatiba para sa maralitang kababaihan kasama ang iba pang organisasyon at ahensya ng gobyerno.

Ang nasabing pagdiriwang ay pinangunahan ni National Focal Person for GFPS, Mr. Jesse Wilvic S. Jacildo kasama ang mga kinatawan sa Office of the Chairperson na sina Ms. Amihan Adriano, Ms. Karla Aurora Sapno, Ms. Maryjoy Mae Padrones at Mr. Jomari Quilaton, naroon din si Mr. Klarck Kent M. Constantino mula sa Field Operations Division for NCR.

BASAHIN  PCUP, DOLE nagbukas ng internship program para sa 19 na mga kabataan

Layon ng selebrasyon na ipabatid sa publiko ang kanilang adbokasiya para sa kababaihang nasa sektor ng maralita kung saan marami ang aktibong nakilahok sa kanilang interactive mini-game.

Hinulaan ng mga kalahok ang pangalan ng mga natatanging Pilipina na nagbigay-daan sa pagsusulong ng karapatan at pagkilala sa kakayahan ng bawat Pilipino.

Bukod dito, tampok sa programa ang iba’t ibang talakayan na may layuning bigyan ng dagdag-kaalaman at proteksyon ang mga kababaihan, kabilang ang:

• “Smart Budgeting for Every Juana” na inihatid ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC)

• “Click Wisely, Juana! Stay Safe in the Digital World” mula sa Complaints and Investigation Division ng Legal and Enforcement Office, National Privacy Commission

Pinasinayaan din ni PCW Chairperson Ms. Ermelita V. Valdeavilla ang PCUP service booth, kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga dumalo na alamin ang iba’t ibang programa at serbisyo ng Komisyon para sa maralitang kababaihan.

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

3rd Party sa energy transmission projects, kwestyonable

NABABAHALA si Sen. Risa Hontiveros sa panukalang magpapasok ng third party sa pagtatayo ng transmission projects sa sektor ng enerhiya. Ang panukala ay kwestyonable...