33.4 C
Manila
Monday, June 23, 2025

Mahigit ₱200-K shabu, nasamsam sa 2 hinihinalang drug suspects sa Valenzuela City

Timbog ang dalawang hinihinalang drug personalities sa ikinasang buy bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Northern Police District sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Jose Unying”, 57-anyos, residente ng Orchid St., C-4 Longos, Malabon City at alyas “Christopher”, 48-anyos, isang high value individual (HIV), pedicab driver ng Gulod St., Tugatog, Meycauyan, Bulacan.

Narekober mula sa dalawa ang humigi’t kumulang 35 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang ₱238,000 ang halaga, buy bust money, ₱700, coin purse, cellphone at isang motorsiklo.

Kasalukuyang nakakulong sa Valenzuela custodial facility ang mga suspek at kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

BASAHIN  Mahigit ₱2-M shabu, nasabat sa isang HVI sa Valenzuela City
BASAHIN  Meralco tiniyak na hindi sasablay ang kauna-unahang subway ng bansa

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

818,000FansLike
50FollowersFollow
93,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA