33.4 C
Manila
Monday, June 23, 2025

3 tulak laglag sa ₱400-K shabu sa San Mateo

LAGLAG ang tatlong lalaki matapos maaresto sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga tauhan ng San Mateo Police Station, Linggo ng madaling araw sa Brgy Ampid, San Mateo, Rizal. 

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Rizal Provincial Police Office (RPPO) Director PCol. Felipe Maraggun, nakilala ang mga suspek na sina alyas Makoy, 31-anyos, driver, alyas Toto, 39-anyos at alyas Koko, 40-anyos, pawang mga residente ng nasabing barangay.

Inaresto ang suspek bandang 3:28 Linggo ng madaling araw matapos ang ikinasang buy-bust operation at naaresto ang mga suspek.

Nasabat ang nasa 60.85 na gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱413,780.00 matapos ang pakikipagtransaksyon sa isang pulis na umaktong buyer at inaresto matapos ang palitan ng ebidensya.

BASAHIN  Face-to-face classes suspendido sa Timog Luzon dulot ng Taal vog

Kasalukuyang nakakulong ang tatlong suspek at sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

BASAHIN  Kahera tinalakan ng amo, nanaksak

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

818,000FansLike
50FollowersFollow
93,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA