P2-M halaga ng shabu nasakote sa bagong tulak ng Pasig

Share

Umaabot sa P2-M halaga ng illegal na droga ang nasabat ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) sa patuloy na pagsugpo laban sa illegal na droga na kung saan naaresto ang isang newly identified as high value individual sa ikinasang buy bust operation sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni PBGen. Wilson  Asueta, District Director ng EPD, nakilala ang suspek sa alyas lamang na “Reno” 25-anyos, residente ng  Brgy. Pinagbuhatan. 

Ikinasa ang drug buy-bust operation matapos ang naganap na transaksyon sa pagbili  ng police poseur buyer sa suspek saka dinamba matapos ang palitan ng epektos.

BASAHIN  Munti, ipinagdiwang ang ika-106 taon nang pagkakatatag

Nakumpiska mula sa suspek ang isang  transparent plastic pack na naglalaman ng shabu na aabot sa  P101,000.00, dalawang  knot tied transparent plastic pack na nasa 300 gramo na may Standard Drug Price na P2,040,00.00, isang motorcycle NMAX. 

Binasahan ng kanyang karapatan ang suspek bago arestuhin at dinala sa DDEU  habang ang nakumpiskang ebidensya ay dinala sa  EPD Forensic Unit para sa Drug Test. 

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasig CPS Custodial Facility at nahaharapa sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...