Top 1 wanted ng Pasig nasakote sa manhunt

Share

NASAKOTE ng pinagsanib na puwersa ng Pasig City Police Station – Warrant and Subpoena Section at  Women’s and Children Protection Desk ang kinikilalang Top 1 Most Wanted Person sa ikinasang manhunt operation sa Barangay San Miguel.

Sa report mula sa tanggapan ni PCol. Celerino Sacro, hepe ng Pasig Police, inaresto si alyas “JJ”, 23-anyos, residente ng  Brgy. San Miguel, Pasig City sa kahabaan ng Market Avenue, Brgy. San Miguel bandang 9:03 Biyernes ng umaga.

Dala ang warrant of arrest laban na akusado na inisyu ni Hon. Carmencita Lacandazo-Logan, Presiding Judge ng Family Court Branch 12, Pasig City para sa kasong Three Counts of Statutory Rape Penalized under Article 266-A, No. 1 (d) as amended by R.A. No. 11648 in relation to Section 5(a) of R.A. No. 8369 na may petsang February 2, 2024 at walang inilagak na piyansa.

BASAHIN  3 tulak arestado sa P400K shabu sa Valenzuela

Kasalukuyang nakakulong ang akusado sa Pasig City custodial facility  habang hinihintay ang  commitment order mula sa korte

“As we mark today the commencement of National Women’s Month Celebration, the success of our anti-crime campaign upholds our commitment in promoting the rights of women and girls. This initiative not only provides justice for those victims of abuses, but also raise awareness about the importance of creating supportive environments for vulnerable members of our society, moreover, a safe haven for those in need,” ayon kay Col. Sacro.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Classroom-Building Acceleration Program Act ni Sen. Bam Aquino suportado ni Mayor Morpe ng Rosario, Batangas

SUPORTADO ni Mayor Leovi Morpe ng Rosario sa lalawigan ng Batangas ang panukalang batas ni Sen. Bam Aquino na tinatawag na Classroom-Building Acceleration Program...