Administratibong gawain ng mga guro, aalisin na—VP Sara

0
424
Administrabong gawain ng mga guro, aalisin na, ayon kay VP Sara

AALISIN na sa mga gawain ng mga guro ang may kinalaman sa administratibong mga bagay upang matututukan ng mga ito ang pagtuturo sa mga estudyante.

Ito ang inihayag ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte-Carpio sa isinagawang 2024 Basic Education Report (BER) ngayong araw kasama si Pangulong Ferdinan Marcos. Jr. sa Pasay City.

“Napag-usapan at napagplanuhan na namin ito noon pa man na wala na dapat administratibong gawain ang mga guro sa pampublikong mga paaralan, natapos na namin ito at handa nang ilabas,” pahayag ni Duterte.

Sinabi pa ng pangalawang pangulo na ito’y bunga na rin ng kanilang pakikipagpulong at konsultasyon at ilalabas na nila bukas ang “Removal of Administrative Task for Teachers” na isang Department Order ng kagawaran.

BASAHIN  Mga estudyante, titser OK magsuot ng duck hair clips—DepEd

Upang matiyak na epektibo ang pagpapatupad nito, sinabi pa ng kalihim na kailangang punan ang 5,000 kakulangan na administrative personnel noong 2023 at karagdagan pang 5,000 para sa taong ito.

Isasama naman ng DepEd sa budget ngayong taon sa ilalim ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE), ang mga paaralan na may planong kumuha ng mga empleyadong gagawa ng mga administratibong gawain bilang suporta.

BASAHIN  Mga Villar, sinisi ng resort owner, sa pagbaha sa Parañaque; DENR, inutil?

About Author