HINDI pa tapos ang laban!
Hindi po pelikula ni Da King, FPJ ang tinutukoy namin kundi ang labanan sa korte sa pagitan nina TVJ o Tito, Vic, at Joey at mga Jalosjos tungkol sa paggamit ng trademarks na “Eat Bulaga” at “EB”.
Ayon sa GMA News kahapon, nag-file ng TRO o temporary restraining order at mandatory injunction ang Television and Production Exponents Inc. (TAPE) tungkol sa naging desisyon ng Marikina Court na pumapabor kina TVJ bilang legal na may-ari nang nabanggit na trademarks.
Matatandaang umalis sina TVJ sa “Eat Bulaga” ng TAPE noong Mayo 31, 2023 dahil sa ilang isyu kasali na rito ang pagpapalit ng format ng programa.
Dahil dito, sina Tito, Vic, at Joey, at ang orihinal na Dabarkads, pati na halos lahat ng production staff ay lumipat sa TV-5, sa kanilang bagong noontime show na E.A.T.
Kumuha naman ang TAPE ng bagong grupo ng mainstays sa pangunguna nina Paulo Contis at Isko Moreno bilang kapalit ng orihinal na Dabardads.
Dahil sa patuloy na paggamit ng TAPE ng “Eat Bulaga” at “EB” trademarks, inireklamo sila ng trio sa Marikina Regional Trial Court (MRTC) na nagdesisyong pabor kina TVJ na sila diumano ang nakaisip at tunay may-ari ng trademark.
Noong Dec. 22, 2023, nag-issue ang MRTC nang pagbabawal sa TAPE at GMA-7 sa paggamit ng “Eat Bulaga” at “EB” trademarks.
Dahil dito, pinalitan ng TAPE ang titulong “Eat Bulaga” ng “Tahanang Pinamakasaya.” Hindi pa natatagalan, nag-file ng TRO sa Court of Appeals ang TAPE laban kina TVJ.
Sinabi ni Atty. Maggie Garduque, legal counsel at tagapagsalita ng TAPE, “[ang desisyon ng MRTC] ay lantarang paglabag sa batas at kawalang-galang sa hurisdiksyon ng Intellectual Property Office sa “pending trademark cases;” (“The ruling according to TAPE legal counsel and spokesperson Atty. Maggie Garduque was a “blatant violation of the rules and the disrespect of the jurisdiction of the IPO on
the pending trademark cases,” ayon sa report ng Pep.ph nitong Enero 21.)
Ayon sa isang netizen, it appears na, base sa mariing pagbanat ni Garduque sa desisyon ng MRTC, tila gusto niyang maka-impluwensya sa magiging desisyon ng Court of Appeals.
Masa-cite kaya ng contempt of court si Garduque?
Hindi pa tapos ang laban! Abangan!