Ingratang models#!?!—Pinoy designer

Share

HINDI ma-keri ng sikat na Pinoy fashion designer na si Michael Cinco ang pangdi-dema noon sa mga likha niya ng ilang baguhang Pinay models sa Milan Fashion Week (MFW) kamakailan.

Ang tinutukoy kaya niyang mga ingrata ay sina Pia Wurtzbach at Sofia Andres?

Matatandaang madalas na gawan ng super-ganda art world-class na gowns si Pia, lalo na nang nanalo itong Miss Universe noong 2015.

Pero ngayon ay rumampa siya sa MFW sa Italy, at super-duper din ang dami ng post niya, para ipromote ang foreign designer. Ganito rin ang naging ugali ng aktres at social media influencer na si Sofia kapag dumadalo siya sa ilang events.

“When a Filipino influencers or a celebrity is wearing a certain international brand they will proudly flaunt and promote the brand in capital letters and tag the brand 100 times, write all the available hashtags in IG as the brand will notice their posts,” ani Cinco.

BASAHIN  ‘Tahanang Pinakamasaya,’ hindi na masaya; 130 kawani mawawalan ng trabaho

Inabwelto ni Cinco si Heart Evangelista dahil hindi naman ito kasama sa MFW.

Pero hindi sa mga netizen, dahil gumastos pa si Heart ng libo-libong dolyar para sa kanyang wedding gown na ginawa pa ng isang sikat na European fashion designer, samantalang maraming mahuhusay na Pinoy designers ang gumagawa ng gowns maski na sa foreign Miss Universe candidates, pati na Hollywood celebrities.

Tila raw walang bilib si Heart sa mga katulad ni Cinco, ayon pa sa isang netizen.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Gob Bai Mariam nanguna sa survey sa Maguindanao del Sur

NANGUNA ang incumbent governor ng Maguindanao del Sur na si Bai Mariam Sangki-Mangudadatu sa isinagawang survey kamakailan sa lalawigan. Sa nasabing survey na isinagawa ng...