KUMITA ng kabuuang ₱815 milyong gross domestic sales ang pelikulang “Rewind” ng
Star Cinema sa 2023 MMFF.
Ito ang pinakamalaking kinita hindi lang sa MMFF o Metro Manila Film Festival, kundi
maging sa buong kasaysayan ng pelikulang Pilipino.
Matatandaang sa 10 best na may nomisyon ang “Rewind” sa festival, pero hindi ito
nanalo ng kahit isang award. Pero tinalo naman nito ang siyam na iba pang pelikula sa
pagiging number one sa takilya.
Ayon sa Star Cinema sa nitong Miyerkules: “In Philippine domestic sales, Rewind MMFF IS NOW THE HIGHEST GROSSING FILIPINO FILM OF ALL TIME!… [As] of 3PM today, the worldwide total gross [sales] of ‘Rewind’ is ₱845 Million.”
Sobrang saya ang real-life husband and wife team nina Dingdong Dantes at Marian
Rivera, dahil nalamapasan ng “Rewind” ang dating pinakamataas na gross sales noon,
ang “Hello, Love, Goodbye” na kumita ng ₱691 milyon at “The Hows of Us”, ₱690
milyon.
Ipinalalabas pa rin hanggang sa ngayon ang “Rewind” sa halos 300 sinehan sa Pilipinas,
United States, Canada, Guam at Saipan.