Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang ilang bahagi ng Surigao del Sur nitong Miyerkules ng gabi.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, naganap ang pagyanig dakong alas-8:31 kagabi at may lalim na 10 kilometro.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol, na natunton sa layong 48 kilometro hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Paliwanag ng state seismologists, isa itong aftershock mula sa magnitude 7.4 na lindol noong December 2, 2023.
Naitala ang Intensity 5 sa Bislig City, habang Intensity 3 naman ang naramdaman sa bayan ng Cagwait.
Sinabi pa ng Phivolcs na inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang pagyanig.