33.4 C
Manila
Sunday, December 22, 2024

Pope Francis inalmahan ng African Bishops: same-sex union ‘labag sa utos ng Diyos’

INALMAHAN nitong Huwebes ng Catholic Bishops of Africa and Madagascar (CBAM)
ang pahayag ni Pope Francis na nagdedeklara nang pagbasbas sa same-sex union.

Hindi raw makapapayag ang CBAM na sundin ang utos ng Papa na pumapayag na
basbasan ang mga mag-partner na parehong kasarian dahil labag daw ito sa utos ng
Diyos.

Sa opisyal na pahayag na nilagdaan ng Catholic Bishops of Africa and Madagascar—na
may pagsang-ayon ng symposium of African National Bishops Conference—ay nagpapakita nang mariing pagkontra sa deklarasyon ni Francis noong Disyembre 18 na
pumapayag sa mga pari na basbasan ang same-sex couples.

Labis na nagimbal ang Simbahang Katolika sa naging deklarasyon ni Francis na
nagpasaya naman sa LGBTQ+ Catholics.

Pero maraming konserbatibong Katoliko ang naniniwalang nilabag ni Francis ang mga pangunahing doktrina ng Simbahan.

BASAHIN  Pekeng People’s Initiative, itigil na – Sen. Go

Matinding kontrobersiya sa Simbahang Katolika ang idinulot ng deklarasyon ng Papa,
lalo na doon sa mga grupong konserbatibo sa Afrika, na kung saan pinakamabilis ang
pagdami ng mga Katoliko sa buong mundo.

Ayon sa isang netizen, malaking bilang ng mga baklang pari sa buong mundo ang labis
na nagsaya sa deklarasyon ng Papa.

Pero hindi raw mabilang ang mga pari sa buong mundo na inireklamo sa korte dahil sa kaso ng sexual abuse sa mga lalaki, maging ang rape at forced abortion sa mga babae.

BASAHIN  Evacuation Centers sa bawat Siyudad, Bayan – Jinggoy

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA