Modern jeepneys, hindi nakaayon sa Euro 4?

Share

Dahil sa lumalabas na bali-balita na hindi compliant sa Euro 4 ang ilang modern
jeepneys na pumapasada, sisilipin ng Kongreso kung ito nga ay totoo.


Sinabi ni SAGIP party­list Rep. Rodante Marcoleta na pinagsu-submit niya ang Land
Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng kumpletong listahan ng
lahat ng modern jeepneys na naipasok sa ilalim ng PUV modernization program.


Dapat daw na suriin ang lahat ng mga tumatakbong modern jeepneys sa kalsada kung
ito ay pasok sa Euro 4 standard na itinakda ng “Clean Air Act”.


Nakatanggap daw ng mga report ang komite ni Marcoleta na pinayagang makapasok
sa programa at mairehistro ang ilang modern jeepneys kahit na hindi nito pasok sa
Euro 4 standard.

BASAHIN  45,000 Magiging ‘tambay kapag ipinatigil ang Angkas, atbp.


Sinabi ni LTFRB Chair Teofilo Guadiz na dumaan sa masusing pagsusuri ng Department
of Trade and Industry ang bawat modelo ng jeepney na pasok sa programa para
matiyak na ito ay nakasunod sa Philippine National Standard para sa modern
jeepneys.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Bebot na top 9 most wanted sa Navotas, arestado

Arestado ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas City Police ang isang 33-anyos na bebot na listed bilang top 9...