33.4 C
Manila
Sunday, December 22, 2024

5 patay matapos banggain ng JAL ang Coast Guard plane

Tila eksena sa isang blockbuster suspense movie nang magbanggaan ang dalawang
eroplano sa Haneda Airport, Tokyo, nitong Martes ng gabi.


Kaya lang, hindi ito isang pelikula dahil totoong namatay ang lima sa sa anim na crew
ng Coast Guard plane, matapos ang banggaan.


Sangkot dito ang Japan Air Lines (JAL) Airbus A35 at Japan Coast Guard’s Bombardier-
built Dash-8 maritime patrol plane. Nangyari ang aksidente nitong Martes, bago mag-
alas-sais ng hapon sa naturang airport, sa Tokyo, Japan.


Tila isang milagro ang pagkakaligtas ng 379 pasahero at crew na nakasakay sa JAL
matapos itong bumangga sa Coast Guard plane nitong Martes bago mag-alas sais ng
hapon.


Sa isang live broadcast ng NHK, makikitang biglang nag-aapoy sa tarmac ang JAL
matapos nitong makabangga ang maliit na eroplano.


Makapigil-hininga ang pagtakbo ng mga pasahero palabas nang umuusok na
eroplano, pati na ang kanilang pag-slide palabas sa kaligtasan.


Kahit na nakaligtas ang 367 na pasahero at 12 crew ng JAL sa loob lamang ng 90
segundo, patuloy pa ring natutupok ang eroplano sa loob ng mahigit anim na oras, at
nitong matapos lamang ang hatinggabi, Miyerkules, nang ito’y naapula ng mga
bumbero.

BASAHIN  Bilang ng mga nasawi sa malakas na lindol sa Japan, pumalo na sa 48


Umabot sa 14 na mga pasahero ang nasaktan pero hindi naman seryoso ang natamo
nilang injuries, ayon sa JAL.


Samantala, sinabi ng Japan Transport Ministry na inilabas na nila ang pag-uusap sa
pagitan ng air traffic control sa Haneda Airport at ang Japan Coast Guard plane. Hindi
raw binigyan ng clearance ang naturang eroplano para pumasok sa runway.


Ayon kay Transport Minister Tetsuo Saito, tanging ang 39-anyos na kapitan ng
eroplano ang nakaligtas — sa anim na sakay nito — pero siya ay labis na nasaktan.
Sa isang press briefing, ang JAL plane daw ay nagtatangkang mag-landing sa normal na
paraan nang ito ay bumangga sa Japan Coast Guard patrol plane.


Wala raw anomang ulat ng engine failure o iba pang seryosong problema ang JAL bago
ito mag-landing.


Magde-deliver sana ng relief goods ang Coast Guard plane sa mga biktima ng lindol sa
Niigata, sa parteng kanluran ng Honshu Island, nang nangyari ang trahedya.

BASAHIN  Lansakang pagpatay sa Catholic Schools sa Canada


Ayon kay Paul Hayes, air safety director ng UK-based aviation consultancy Ascend, na
wala ni isa mang pasahero ang nagdala ng kanilang carry-on bags na nagpabagal sana
ng proseso ng evacuation.


“The cabin crew must have done an excellent job… It was a miracle that all the
passengers got off,” aniya pa.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA