33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Pagsakop daw sa creek ng Camella Homes, iimbestigahan; Mga Villar, dedma sa isyu?

Pinagpapaliwanag ngayon ng DILG ang lokal na pamahalaan Parañaque City dahil
diumano sa pag-i-isyu ng building permit sa mga bahay na itinayo sa reclaimed portion
ng Baloc-Baloc Creek.


Sinabi ni USec. Marlo Iringan ng DILG o Department of the Interior and Local
Government, “A team from our department is closely coordinating with the city
government on this issue, particularly with the city building official and city
engineering office.”


Inilahad ni Iringan na ang Metro Manila office ng DILG ay nag-issue ng memorandum
nitong Disyembre 28, na nag-uutos sa lokal na pamahalaan na sagutin ang mga isyu
hinggil sa ilegal na pagtatayo ng mga gusali sa ibabaw ng Baloc-Baloc Creek.


Matatandaang ang mga residente ng apat na subdibisyon sa lungsod ay nagreklamo sa
Wing-an Garden Resort sa Multinational Village, na siya raw bumara sa creek.


Pero bwelta ni resort owner Selwyn Lao, ang real estate company daw nina dating
Senate President Manny Villar at asawa nitong si Senador Cynthia Villa ang diumano’y
may kagagawan nito.

BASAHIN  Tapat na mga pulis, pinarangalan ng SPD


Ayon pa kay Lao, ni-reclaim ng kumpany ng mga Villa rang orihinal na Baloc-Baloc
creek at nagtayo ng kalsada at mga bahay sa ibabaw nito, sa loob ng Camella Homes
Classic Subdivision. Nai-divert daw ang creek sa kaynyang property sa Multinational.
Sinabi naman ng isang opisyal ng Parañaque City na hindi raw sila nag-i-isyu ng
building permit para magtayo ng istraktura sa ibabaw ng creek.


Kung tungkol daw sa diumano’y pagpapatitulo ng mga Villar sa isang bahagi ng creek
at ginawa itong bahagi ng subdivision lots, nakikipag-ugnayan daw ang city
government sa iba pang ahensya ng gobyerno tungkol sa technical survey of the
subject area.


Nauna nang sinabi ng isang observer na dapat lamang bumili ng 1960’s na mapa ng
buong Parañaque City sa NAMRIA para makita ang lawak at orihinal na lokasyon ng
Baloc-Baloc Creek. Ito raw ang isa sa matibay na ebidensya kung mayroon nang
pangangangkam ng lupain.

BASAHIN  Engineers, atleta ng Muntinlupa, inspirasyon sa lahat


Bukas ang Brabo News para sa paliwanag ng mga Villar.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA