33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Halos ₱42-M alahas, pera, nilimas sa Ozamiz pawnshop

Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang tatlong suspek sa panloloob sa isang jewelry
store sa loob ng shopping mall sa Ozamiz City, nitong Enero 1.


Umabot sa P41.7 milyong halaga ng mga alahas pati na halos P700,000 na cash ang
nakulimbat ng mga magnanakaw.


Sinabi ni Maj. Dennis Tano, Ozamiz City police chief, na tila ilang buwan ding plinano
ang pagnanakaw.


Ayon sa inisyal na report na pulisya, nakapasok ang mga magnanakaw sa loob ng
Gaisano Mall, alas-tres ng madaliang araw, Enero 1, sa pamamagitan nang paggawa ng
butas sa ilalim ng drainage gamit ang ilang heavy equipment.


Bukod sa mga alahas at pera na tinangay ng mga suspek sa dalawang jewelry shops,
sinira rin nila ang kalapit na ATM machine at kinuha ang perang laman nito. Wala
pang report ang banko sa halaga nang nakuha ng mga kawatan.

BASAHIN  Mga aktibidad para sa Moncada Kamote Festival 2024, inilatag

Nadiskubre lamang ang nakawan nang pumasok sa food court area si Randy Molina
Villadores, kawani ng mall, kahapon, 11:35 ng umaga para buksan ito.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang ilang empleyado at pinag-aaralan nila ang kuha ng
security cameras na kung saan, nakita ang mga salarin.

BASAHIN  ‘Hotmeals on Wheels’ ng Red Cross umarangkada sa Laguna

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA