33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Patung-patong na kaso isinampa ng ‘Task Force Kasanag’ laban kay Sen. Mark Villar

KASONG graft, plunder at iba pa ang kinakaharap ngayon ng dating kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ngayo’y senador na si Mark Villar.

Ang nasabing kaso ay isinumite noong Oktubre 18, 2023 sa Office of the Ombudsman ni John Chiong, founder ng Task Force Kasanag na may pangunahing adbokasiya laban sa korapsyon at katiwalian sa gobyerno at mga manggagawa nito.

Ayon kay Chiong, mabigat ang kasong ito dahil sa hawak nilang mga ebidensiya hindi umano dumaan sa tamang proseso ang awarding ng construction batay sa bids nito, palsipikasyon ng mga dokumento para lang pumabor sa iisang kontratista at iba pa.

“Ang issue o basis natin doon is corruption including yung tinatawag na dereliction of duty kasi during that time siya ang secretary ng DPWH nung mangyari ang trasaksyon doon sa Pangil Bay Bridge,” saad ni Chiong.

Ang nasabing proyekto ay kasali sa ‘Build Build Build’ na programa ng pamahalaan sa pakikipagtulungan ng pribadong sektor o mga kilala at malalaking consortium dito sa Pilipinas.

Ang Pangil Bay Bridge ay mag-uugnay sa Tangub City sa lalawigan ng Misamis Occidental at Tubod City sa lalawigan naman ng Lanao Del Norte.

Ang orihinal na kabuuang halaga, ayon kay Chiong ay ₱3.5-B ngunit lomobo ito sa halagang ₱7.4-B at may habang 3.7 kilometro kung saan mapapabilis ang kasalukuyang haba ng biyahe mula 2 oras at kalahati tungo sa 8 hanggang 10 minuto na lamang.

BASAHIN  Clemency para sa OFW na nasa death row sa Indonesia, hiniling

“It’s like magic. Based on the documents na hawak parang biglang nagbago yung [costing or funds]. Bakit tumaas, so it’s up to the Ombudsman to determine at gawan ng action kasi ang katanungan dyan ang 4 billion naging 7 billion. Based on the documents, meron questionable na mga signatures under my observation. Parang fake o gawa-gawa lang,” ayon pa kay Chiong.

Matatandaan na naging kontrobersyal din ang nasabing proyekto matapos ibang larawan ng tulay ang ipinakita ng DPWH sa mga tao sa halip na ang mismong tulay na itinatayo doon.

Incheon Bridge sa Korea (photo from the web)

Kumalat online ang nasabing larawan kung saan Incheon Bridge sa South Korea ang inilabas ng ahensiya ngunit naka-mirror lamang ito.

Idinagdag pa ni Chiong na sabit talaga si Villar sa kasong ito. Sa mga evidence na hawak ngayon ng Task Force Kasanag, sapat umano ang mga ito para maisama si Senator Villar sa umano’y maanomalyang proyekto ng DPWH.

“Batay sa sa mga evidence na hawak natin ngayon at na-file natin sa Office of the Ombudsman, for me, it is very sufficient para ma-include si Senator Villar sa alleged corruption sa DPWH. Not only Mark Villar, pati ibang DPWH officials na involved sa transaction na yan sa Pangil Bay Bridge,” giit pa ni Chiong.

BASAHIN  Opisina ni Teves sa Kongreso, ipinasara na

“So kuwestyunable ng Pangil Bay Bridge na yan. Mga international contractor pa ang pumasok dyan. Falsification of documents? Kasama na dyan. It’s up to the Ombudsman, hindi natin pangunahan. Sya talaga ang may malaking pananagutan kasi nangyari ito under his watch,” ayon pa sa founder ng Task Force Kasanag.

Batay sa huling ulat, nag-reply na di-umano ang Ombudsman batay sa kaso at kailangan nila itong paimbestigahan.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA