Nagluluksa ngayon ang mundo ng basketball sa Pilipinas dahil sa maagang pagnanaw ni Samboy Lim o “The Skywalker” sa edad na 61, nitong December 23, Sabado.
Ayon sa social media post ng kanyang pamilya, nalulungkot daw silang ibalita ang pagpanaw ni Samboy Lim habang nakaratay ito sa isang ospital, pero nawala daw siya na payapa habang kasama niya ang kanyang mga mahal sa buhay.
Ayon sa post ng pamilya, “Our Hearts are broken [broken hearts emojis].
“Today, December 23, 2023, our dearly beloved Samboy passed away peacefully. A man of Faith, exceptional courage, humility and grace. He embodied the very best of humanity. The Skywalker was 61.”
Habang si Samboy ay nakaratay sa ospital, maingat siyang inalagaan ng kanyang mga kapamilya pati na rin ang team ng mga expert health care workers sa pangunguna ni Dr. Luigi Segundo, physical therapists, nurses, caregivers, at iba pa, sa loob ng siyam na taon.
Matatandaang nag-collapse si Samboy sa isang exhibition game noong 2014 dahil daw sa stroke, agad naman daw siyang dinala sa Medical City at kinalaunan ay na-admit sa intensive care unit ng ospital.
Ito ang ilan sa achievements ni Samboy Lim:
· 9× PBA champion –
(1987 Reinforced, 1988 Open, 1988 Reinforced, 1989 Open, 1989 All-Filipino, 1989
Reinforced, 1992 All-Filipino, 1993 Governors’ Cup)
· PBA Sportsmanship Award (1993)
· PBA All-Star Game MVP (1990) (he scored 42 points)
· 5× PBA All-Star (1989, 1990, 1992, 1993, 1996)
· 2× PBA Mythical Second Team (1990, 1993)
Hiniling rin ng pamilya ni Samboy na ipagdasal ang namayapang basketbolista.
Nakikiramay ang buong staff ng Brabo News sa pagkawala ng isang basketball legend.