Kakaibang ‘World Cup’ sa NZ

Share

NAKAPUKAW ng interes ng sambayanang Pilipino ang panalo ng Philippine team sa 2023 FIFA World Cup sa Wellington, New Zealand (NZ), kamakailan.

Simula Agosto 25-27, 2023, muling mapupukaw ang interes ng marami sa 5.23 milyong New Zealanders at 80,000 mga Filipino sa “Exercise Patience” Regional Convention ng mga Saksi ni Jehova (JW).

Ito ay libre at gaganapin sa Te Rauparaha Arena, 17 Parumoana St., Porirua,
Wellington, NZ.

Sa Pilipinas (Tagalog), ang JW Regional Convention ay naka-iskedyul sa Agosto 11-13 sa Assembly Hall of Jehovah’s Witnesses, 1140 Quirino Highway, Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City.

Sa Hiligaynon, sa Agosto 4-6, Iloilo Convention Center, Megaworld Blvd., Mandurriao, Iloilo City.

BASAHIN  489,849 child pornography sites, hinarang ng Globe

Sa Iloko o Ilocano, ito’y sa Agosto 11-13, sa Benguet Multi-purpose Sports Complex, Brgy. Wangal, Governor’s Office Capitol, La Trinidad, Benguet.

Bukod sa Bible-based na pahayag, makanonood ng mahigit 70 inspiring videos, kasali rito ang two-part video drama tungkol sa pagtitiis ng pamilya ni Amani para mailigtas ang kanilang buhay sa harap ng maraming panganib.

Sa buong mundo, milyun-milyong mga Saksi ni Jehova at mga taong interesado ang dumadalo sa taunang regional convention ng JW, sa mahigit 330 bansa at lupain.

Para malaman ang iskedyul sa partikular na lungsod sa buong mundo, puntahan ang www.jw.org.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Higit ₱7-M halaga ng marijuana, nasamsam sa mag-jowa sa Mandaluyong City

NASAMSAM ng mga otoridad mula sa mag-jowa ang higit sa P7 milyong na high-grade marijuana (kush) sa isang drug buy-bust operation sa Mandaluyong City,...