33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Gaza ceasefire: ‘Pinas, pabor sa UN Reso

Isa ang Pilipinas sa 153 bansang bomoto sa panawagang tigil-putukan sa Gaza Strip.

Inaprubahan ng UN General Assembly ang isang non-binding resolution sa botong 153 – yes, 10  – no, at 23 ang hindi bomoto.

Tanging ang Austria at Czech Republic — dalawang bansa na miyembro ng European Union ang bomoto laban sa resolusyon.

Ang resolusyon ay nagde-demand nang agarang ceasefire at pagpapalaya sa lahat nang natitirang hostages.

Matatandaang nag-abstain ang Pilipinas sa naunang katulad na resolusyon, pero ngayon bomoto ito ng “yes”.

Noong nakaraang linggo, nag-veto ang US sa katulad na resolusyon sa UN Security Council na nagpatigil sana sa labanan, pero walang veto power ang US sa General Assembly.

BASAHIN  1,200 Bagong trabaho sa Subic

Nagsimula ang digmaang Israel-Hamas matapos atakihin ng huli noong Oktubre 7 ang isang village sa southern Israel, na pumatay sa mahigit 1,200 na mamamayan dito at bumihag ng 240 hostage na mga Israeli, Amerikano, Pilipino, at iba pang lahi.

Ayon sa Gaza Health Ministry, umabot sa mahigit 18,200 na ang napapatay sa Gaza, kalahati sa bilang na ito ay mga bata at babae.

Ayon sa ilang mamamahayag, mas malawak pa ang pinsala nang pambobomba sa Gaza kaysa sa sinapit ng Germany sa kamay ng Allied Forces noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

BASAHIN  Pamumuhunan sa PEZA investments lomobo sa 332%

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA