Dahil sa pagdagsa ng mga biyahero kaugnay ng long weekend at Kapaskuhan, naglatag nang paghahanda ngayong Biyernes ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa inaasahang pagkakabuhol-buhol ng trapik lalo na sa mga pangunahing kalsada.
Kinumpirma ni Gabriel Go, OIC, MMDA Strike Force, na base sa mga nakaraang taon, sobra ang pagtaas nang bilang ng mga sasakyan ilang araw bago ang mismong Pasko at iba pang pangunahing piyesta opisyal.
“Tuloy-tuloy ang aming deployment, full blast po ang ating deployment until Christmas para kahit papaano matulungan natin ang mga motorista na maging mas maginhawa ang kanilang biyahe,” saad ni Go.
Nauna pa rito, inalis na ng MMDA ang mga obstruction sa Mabuhay Lane na magpapabilis nang byahe mula Lungsod Quezon papuntang Makati at iba pang lungsod sa Timog-NCR.