Toyota, ipinatitigil ang shipment ng Daihatsu

Ipinatitigil ng Toyota Motor Co., (TMC) Japan nitong Miyerkules ang shipment ng lahat ng yunitm ng Daihatsu matapos madiskubre ang pandaraya sa resulta ng safety tests.


Sakop ng utos ang lahat ng shipment para sa overseas order pati na rin sa buong Japan.


Ang TMC ang may-ari ng Daihatsu matapos nitong mabili ang kumpanya noong 2016.

Inaasahang lalabas ang resulta ng independent panel na nagsagawa ng imbestigasyon para malaman kung dinaya nga ang resulta ng safety tests para makatipid.


Sinabi ng Asahi Newspaper na natagpuang nandaya ang Daihatsu sa safety tests sa halos lahat ng mga kasalukuyang modelo nito, pati na rin mga naunang modelo noon.

Inaasahang mahigit sa anim na modelong nauna nang iniulat na sangkot sa iskandalo sa safety ang madaragdagan pa.

Inamin ng Daihatsu noong Abril na dinoktor nito ang resulta ng collision safety tests na ginawa sa halos 88,000 na maliliit na kotse na ibinenta sa ilalim ng Toyota brand.

Napag-alaman na lamang ng Daihatsu ang pandaraya matapos na kumanta ang isang whistleblower at inireport sa media.


Hindi malinaw kung kasali ang mga lumang model ng Daihatsu Charade at mini van na ibenenta sa Pilipinas.

IBA PANG BALITA

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...