MAAGANG nakatanggap ng aguinaldo ang nasa 420 Persons Who Use Drugs (PWUDs) mula sa San Juan local government unit.
Binigyan sila ng LGU ng Pangkabuhayan Package, na ginanap sa San Juan City Hall Atrium, sa pangunguna ni Mayor Francis Zamora.
Ibinahagi ng alkalde na sa pamamagitan ng City Anti-Drug Abuse Council nasa 420 PWUDs mula sa rehabilitation program ang nakiisa at nakatapos ng programa.
Nakatanggap ang mga ito ng isang sako ng 50 kilo ng bigas, hygiene kits, tatlong dosena ng itlog, at tatlong bags ng groceries, na naglalaman ng canned goods, kape, gatas, noodles, biscuits, cupcakes, cooking oil, at condiments.
Binigyang diin pa ni Mayor Zamora na bahagi ito ng pagkakaroon ng 100% barangays drug cleared at nakatakda rin itong i-apply sa PDEA bilang drug free city.