Top 5 most wanted person ng Pasay, nasakote

Share

NASAKOTE ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena ng Pasay City Police Station ang kinikilalang Top 5 Station Level Most Wanted Person ngayong 3rd quarter ng 2023 sa Barangay Cupang, Antipolo City.

Sa report ng Pasay City Police, nahuli si Denden Quilisado y Calo, 42-anyos, walang trabaho at residente ng Antipolo City, ang inaresto bandang 11:00 Biyernes ng umaga sa kahabaan ng Dimsun Street, Barangay Cupang, Antipolo City.

Si Quilisado ay nahaharap sa three counts of Access Devices Regulation Act of 1998 (Credit Card Violation Act) (RA 8484 as amended by RA 11449) docketed under Criminal Case No. R-PSY-22-03055 to 03057-CR, na inisyu ni Hon. Marjury Almojera Madrid-Songgadan, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 117, Pasay City na may petsang January 6, 2023 at nilagakan ng ₱60,000.00  na piyansa.

BASAHIN  3 durugista nadakma sa Navotas buy-bust

Nabatid na sangkot ang suspek sa pagnanakaw at paggamit ng mga nakaw na credit card.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Station Custodial Facility ng Pasay City Police Station. 

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Legalidad ng muling pagpapaliban ng BSKE, pinapabusisi ni Sen. JV Ejercito

Iginiit ni Senador Joseph Victor Ejercito na nararapat na pag aralan muna ng kongreso kung legal ang panukala na muling ipagpaliban ang Barangay at...