33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Gatchalian: Gutom, malnutrisyon, dapat tugunan para umangat kalidad ngedukasyon

Dapat na tutukan ang isyu ng gutom at malnutrisyon kasabay nang pag-angat sa
kalidad ng edukasyon sa bansa, ayon kay Senador Win Gatchalian.

Ayon sa naging resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment
(PISA), 12% ng mga mag-aaral na 15 taong gulang sa Pilipinas ang iniulat na
pumapasok sa paaralan nang hindi kumakain araw-araw o tuwing makalawa
lamang. Lumabas din sa naturang pag-aaral na may negative correlation (-0.61)
sa pagitan ng gutom at performance sa mathematics. Ibig sabihin, hindi maayos
ang performance ng mga batang gutom.

Nang tanungin ang mga mag-aaral kung gaano sila kadalas na hindi kumakain
dahil sa kakulangan ng perang pambili ng pagkain, 3 percent ang nagsabing apat
o limang beses sa isang linggo, 9 percent ang nagsabing dalawa o tatlong beses
sa isang linggo, at 15 percent naman ang nagsabing isang beses sa isang linggo.

Batay sa datos ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition
Research Institute’s (DOST-FNRI) sa taong 2021, 20 percent ng mga batang 5
hanggang 10 taong gulang o katumbas ng 2.7 milyon ang ‘stunted’ o mababa para sa kanilang edad. Iniulat din ng ahensya na 2.8 milyon o 21 percent ang
underweight, samantalang 1 milyon o 7 percent ang ‘wasted.’

BASAHIN  Batas na lilikha ng Regional Specialty Centers, aprubado na

“Kasabay ng pag-angat natin sa kalidad ng edukasyon ng mga kabataan ang
pagtugon sa kanilang mga pangangailangan sa kalusugan at nutrisyon. Alam
nating mahirap matuto ang batang gutom, kaya patuloy nating dapat hanapan ng
iba’t ibang paraan kung paano pangalagaan ang kalusugan ng ating mga mag-
aaral,” ani Gatchalian, Chair, Senate Committee on Basic Education.

Ibinahagi rin ng PISA ang karanasan ng ilang bansa para matugunan ang
nutrisyon ng mga mag-aaral. Sa Finland, tinitiyak ang mga libreng pagkain mula
pre-primary hanggang upper secondary education. Sa ilalim naman ng School
Meals Program ng Ireland, may nakalaang pondo para sa mga kinakailangang
pagkain para sa mga mag-aaral at mga bata sa mga paaralan.

Ayon kay Gatchalian, pangarap niya ang pagkakaroon ng universal school meal
program upang tugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral pagdating sa
nutrisyon.

BASAHIN  Mas maigting na aksyon ng mga paaralan laban sa hazing - Gatchalian

Upang matugunan ang stunting o pagkabansot, na nakakaapekto sa performance
ng mga mag-aaral, iminungkahi ng isang 2023 discussion paper mula sa
Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na tiyaking tuloy-tuloy ang
mga programa para sa nutrisyon ng mga nanay, prenatal at postnatal care,
nutrisyon ng mga batang 6-23 buwang gulang, at regular na pagpapakain sa mga
bata at sanggol.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA