Mahigit P350K halaga ng shabu, nasabat sa Makati City

0
92

Nasamsam ng mga otoridad ang P350,200 na halaga ng shabu matapos ang isinawang buy-bust operation sa Barangay Rizal, Makati City.

Ikinasa ang operasyon noong Miyerkules ng gabi sa Magnolia St., kung saan naganap ang transaksyon sa pagbili ng iligal na droga.

Naaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at Comembo Substation Makati CPS ang mga suspek na kinilalang sina Alyas Jay-R, 37-anyos, isang habal-habal driver, at Alyas Diego, 43-anyos, isang van driver.

Narekober mula sa mga suspek ang isang transparent plastic na naglalaman ng 51.5 gramo ng shabu, tatlong ₱1,000 bills na ginamit bilang buy-bust money, isang genuine ₱1,000 bill, dalawang ₱1,000 boodle money at isang iPhone.

BASAHIN  Kakompetensya ng GrabCar na inDrive sinuspendi ng LTFRB

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 Art II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

BASAHIN  400 ‘Smart classrooms’ inilunsad sa Makati

About Author