33.4 C
Manila
Monday, January 20, 2025

Dapat mas maraming ngipin ang MTRCB – Chiz

SUPORTADO ni Senador Chiz Escudero ang panukalang magpapalakas at
magbibigay-ngipin sa Movie and Television Review and Classification Board
(MTRCB), kasama na ang kapangyarihan na i-block ang hindi angkop na video
streaming platforms na taliwas sa pamantayang moral ng mga Pilipino.


Ipinahayag ni Escudero ang kanyang suporta sa debate sa plenaryo ng 2024
General Appropriations Bill (GAB), na kung saan pinag-usapan ang badyet ng
MTRCB.


Nang tanungin ni Escudero si Senador Jinggoy Estrada tungkol sa
kapangyarihan ng MTRCB na ipagbawal ang X-rated na pelikula online, sinabi ni
Estrada na pwede lamang i-ban ang X-rated films sa mga sinehan sa ilalim ng
Presidential Decree No.1986, ang batas na lumikha sa MTRCB, at ang Republic
Act No. 9775 o ang Anti-Child Pornography Act.


Gayunpaman, sinabi ni Escudero na walang kapangyarihan ang MTRCB na
ipagbawal ang pagpapalabas ng X-rated films sa internet. Idinagdag pa niya na
walang kakayahan ang Department of Information and Communications
Technology (DICT) kung pwedeng i-ban ang isang palabas sa internet.

BASAHIN  It’s Showtime, tuloy ang Suspensyon


“The point I am driving at is that it is not within the core competence of the DICT
and I think at some point in time the MTRCB should be brought into the picture
either via the bill of Sen. (Robinhood) Padilla or by an amendment to the law,”
saad ni Escudero.


Nauna na rito, sinabi ni MTRCB Chair Lala Sotto-Antonio na limitado lamang ang
kanilang hurisdiksyon sa kasalukuyan, pwede lang silang mag-rekomenda sa

DICT o National Telecommunications Commission (NTC) na alisin ang isang
malaswang palabas na nasa online platform.


Mayroon na ngayong limang panukalang batas sa Senado tungkol dito, kasama
ang Senate Bill No. 1940 o ang MTRCB Act of 2023 na ipinanukala ni Senador
Robin Padilla.

BASAHIN  Libreng Wi-Fi sa pampublikong paaralan – Poe

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA