INAASAHANG darating ngayon (Biyernes) sa bansa and 35 sa 40 Pilipino na pinayagang
makalabas ng Gaza, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Huwebes.
Nilinaw ni DFA USec. Eduardo de Vega na sa 40 Pilipino na nakalabas ng Gaza, 35 sa kanila
ang nakasama sa repatriation flight, pati na rin ang siang Palestinian na asawa.
Sinabi ni De Vega, “Not all of them, out of 40 Filipinos, three are remaining in their family kasi
nandoon ‘ang Egyptian husbands, though they’re trying to get permanent residence.”
Darating ngayon sa NAIA Terminal 3 sakay ng Qatar Airways ang unang batch.
Samantala, sinabi ni De Vega na dapat sana’y bukas ang Rafah Crossing pero ito’y isinara dahil
sa pangseguridad na dahilan. Aalamin pa ng DFA kung kailan ito muling magbubukas.
“But good news naman is [that] all the remaining Filipinos have been approved, meaning to say,
if they want to go, they can all go as a group, hindi in batches of 30, 40, 50, they all can go as a
group, 95 Filipinos, and they have [also] approved 16 of the Palestinian spouses,” dagdag pa ni
De Vega.
Dahil hindi sila nakapasa sa security checks, hindi raw pwedeng makaalis ang ilang Pilipino,
ayon sa DFA.
Sinabi pa ni De Vega may 19 na Pilipino ang nagdesisyon na manatili sa Gaza kahit na ano raw
ang mangyari. Hindi sinabi ng DFA ang pangalan ng mga ito. Idinagdag pa niya na hindi
naman daw magkakaroon ng problema ang mga asawang Palestinian pagdating sa bansa.
Some of those who did not want to leave Gaza were committed to stay despite the danger. De
Vega said those citizens feel that “ leaving Gaza will be like allowing the Israelis to, in their
minds, depopulate Gaza.”
“We’re not really forcing everybody to leave but they know that we are calling them to leave
dahil may permission na,” pagdiriin ng undersecretary.
“Kahapon hindi 56, 69 ang willing tumawid kahapon kasama doon, meron pang 12 spouses, so
81…Sixty-nine people out of the potential 76, that is a good percentage. ‘Yung anim na naiwan
out of the original 46, handa na rin sila tumawid.”
Samantala, siyam na OFWs mila sa Lebanon ang nakauwi na, sa harap ng tumitinding tensyon
sa Gitnang Silangan, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Nakaring sila sa NAIA Terminal 3 sakay ng Qatar Airways nitong Miyerkules ng gabi.
Katulad ng mga naunang dumating na OFW, bibigyan sila ng pinansiyal at iba pang tulong ng
pamahalaan, ayon kay DMW OIC Hans Leo Cacdac.