Bebot patay sa killer  ‘kolong-kolong’ 

Nasawi agad ang isang 39-anyos na babae matapos salpukin ng rumaragasang “kolong-kolong” habang naglalakad sa gilid ng kalsada sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center ang biktimang si Ferleen Javier, residente ng Block 34-C Lot-16 Phase 2, Area-2 Brgy. NBBS Dagat-dagatan, Navotas City sanhi ng tinamong pinsalang sa ulo at katawan.

Arestado naman ng pulisya ang nagmamaneho ng kolong-kolong na si Mark Biatingo, 25, vendor ng Block-26, Area-1, Brgy. NBBS Dagat-Dagatan.

Sa ulat na isinumite ni Traffic Investigator P/SSg Antares San Antonio kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, bandang 7:40 ng umaga habang naglalakad sa gilid ng kalsada ng M. Naval St, Brgy NBBS-Kaunlaran ang ginang patungong Agora Market ay  nahagip  ng rumaragasang ng Honda TMX 125 na may plakang 789-NZL na kinabitan ng kolong-kolong at minamaneho ng suspek.

Sinampahan na ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide sa Navotas City Prosecutor’s Office ang suspek matapos sumailalim sa medical examination sa Navotas City Hospital habang ini-impound naman ang  kolong-kolong

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...