33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

298 RMFB na dinala sa BARMM, binigyang parangal

Pinangunahan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, PBGen. Jose Melencio Nartatez, Jr ang pagbibigay ng Heroes’ Welcome and awarding of medals sa 298 miyembro ng Regional Mobile Force Battalion, (RMFB) na dinala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para siguruhing ligts at maayos na magaganap ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.

Bumilib naman si Nartatez sa ginawang kabayanihan at katapangan ng mga pinadalang sundalo sa BARMM dahil naipatupad nila ang malinis at maayos na halalang pangbarangay.

“On behalf of Team NCRPO, congratulations! You have been the vanguards of Team NCRPO. What you did there put a mark that anywhere else, kaya natin maglingkod at gampanan ng maayos ang ating trabaho o misyon na panatilihin ang kaayusan at kapayapaan lalo na ang pagsiguro sa  kaligtasan ng ating mamamayan,” ayon sa NCRPO Chief.

BASAHIN  2 high value tulak nasakote sa ₱476-K shabu sa Pasig

Unang sinalubong sa Villamor Air Base sakay ng C-295 aircraft at poker planes ang unang batch ng mga sundalo habang ang kasunod na batch ay sakay naman ng C130 ay una nang binigyan parangal ni PBGen. Allan Nobleza, Regional Director, PRO BAR  na nagsagawa ng send-off ceremony sa mga pauwing RMFB contingents sa Datu Abdullah Sangki, Sports Complex Maguindanao del Sur.

Ang 26 Police Commissioned Officers (PCOs) ay nanguna sa five teams na dinala sa munisipalidad ng Maguidanao, partikular na sa Datu Piang, Pagalunan, Pandag, Rajah Buayan, at Sultan sa Barongis.

Obligasyon ng mga f RMFB personnel na paigtingin ang election-related duties na tulad ng pagpapatupad ng batas, rules, and regulations, pagtulong sa Commission on Elections (COMELEC) staff, at maglaan ng seguridad sa lahat ng polling centers at iba pang matataong lugar.

BASAHIN  NCRPO contingent, binigyan ng heroes welcome

Pinaiiral ang Basic Internal Security Operations Course (BISOC) para sa mga crucial undertaking ng nagdaang halalan at dumaan din sila sa General Orientation and Special Electoral Board (SEB) seminar na ginawa ng PRO BAR at COMELEC’s Election Officer.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA