Kalahating milyong halaga ng shabu nasabat sa 2 sekyu at kasabwat  sa Rizal

Share

Laglag ang tatlong tulak ng Cardona kabilang ang dalawang security guard at isang kasabwat matapos malambat sa ikinasang buy bust operation at  nakuhanan ng nasa 82.3 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P559,640.00 at mga armas na naganap Martes ng madaling araw sa Cardona, Rizal.

Sa report na nakalap mula sa Rizal Provincial Police Office nasakote ng mga tauhan ng Cardona Municipal Police Station sa pamumuno  ni P Maj. Roberto Papa ang tatlong suspek na sina Bon Jovi Baldo y Escobin, High Value Individual, 33-anyos, residente ng Barangay Patunhay, Cardona; Richard Dionisio y Bautista, 51-anyos security guard ng Barangay  Bombongan, Moronv, Rizal at  Roderick Mirondo y Mendoza, 39-anyos, kapwa Street Level Individual l, security guard at taga Milagros, Cavite.

Ayon sa report, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Cardona Police bandang 4:50 Martes ng.madaling araw sa Barangay Calahan, Cardona, Rizal matapos ang naganap na transaksyon sa pagitan ng mga suspek at pulis na nagpanggap na buyer.

BASAHIN  Totoy patay sa dinaluhang B-day

Matapos ang palitan ng ebidensya ay agad na nalambat ang tatlong nagpulasang suspek at nakumpiska ang nasa 12 piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng  82.3 gramo na nagkakahalaga ng P559,640.00; isang Android cellular phone Techno Spark, isang Android Infinix, isang Vivo cellphone, isang unit  Suzuki Smash, coin purse, wallet, sling bag, isang Caliber .45 Pistol, magazine Caliber .45; anim na bala ng Caliber .45; P1,000 buy bust money at isang bundle P3,000.00 drug money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek at kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 at  RA 10591 o illegal possession of firearms in relation to Omnibus election code

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Tserman sa Muntinlupa tinodas, riding-in-tandem pinatutugis ni Nartatez

HINDI na umabot ng buhay sa Asian Hospital si Barangay Buli Chairman Ronaldo “Kaok” Loresca matapos itong pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin...