UMAABOT sa 62 percent ng mga Pilipinong propesyonal na nasa ibang bansa ang
nagnanais nang umuwi ng bansa sa loob ng limang taon.
Ito ay ayon sa research ng Robert Walters, isang consultancy firm ng global recruitment.
Nag-survey ang Robert Walters survey sa 120 respondents mula sa iba’t-ibang industriya
gaya ng banking and information and communication technology. Sinabi ng ilang
respondents na kailangang nilang asikasuhing mabuti ang kanilang pamilya, kaya nais na
nilang bumalik ng bansa.
“As the number of overseas Filipino professionals returning home continues to grow, it
presents a valuable opportunity for local employers,” Robert Walters Philippines Director
Alejandro Perez-Higuero.
Umabot sa 46 percent ng respondents ang nagsabing positibo sila tungkol sa paglago ng
ekonomiya ng Pilipinas, na magbubukas ng oportunidad para sa pagnenegosyo.
Samantala, 30 percent ng respondents ang nagsabi na wala silang balak na umuwi ng
bansa dahil sa kawalan nang tiwala sa katatagan ng ekonomiya ng Pilipinas.
Sa mga Pilipinong nagnanais na magpatuloy magtrabaho sa ibang bansa, 80 percent ang
nagsabing mas matatag ang ekonomiya ng bansang kanilang pinagtatrabahuhan kaysa
Pilipinas.
“These returning professionals often possess enhanced technical skills and a more
adaptable mindset, honed through their experiences in diverse international
environments,” ayon pa kay Higuero.
Sinabi ng ilang observers na hindi wasto o accurate ang nasabing survey dahil 120
lamang ang respondents. Para maging minimal ang margin of error at maaasahan ang
resulta, dapat daw na nag-survey sila ng 1,000 Pilipino o higit pa mula sa iba’t-ibang
industriya.