Pelikula ni Bea alonzo, Nilangaw sa US

Share

NILANGAW daw ang special screening sa US ng pelikula ni Bea Alonzo na 1521: The Quest
for Love and Freedom, na ipinalabas noong Oktubre 2, ayon sa showbiz portal na Pep.ph.


Ayon kay Louie Alejandro na naka-base sa Phoenix, Arizona, na mukhang very interesting ang
pelikula kaya kaagd siyang bumili ng tiket.


Aniya, “Alam ba ninyo na ang pelikulang ito ay pinalabas ng isang araw na isang screening lang
sa 200 moviehouses sa buong Amerika? Pero walang promotion na maayos.”


Nagkumahog daw siya para makakuha ng ticket sa special screening ng pelikulang tampok ang
Kapuso actress na si Bea Alonzo bilang si Diwata.


Excited daw talaga si Alejandrino dahil pagkakataon na niyang makapanood ng pelikula ng mga
Pilipinong artista. Pero nadismaya sila dahil pagpasok niya ng sinehan, siya lang ang tao.


Pagkaraan ng ilang minuto, mayroong mag-inang pumasok. At habang nag-uumpisa ang
pelikula, apat lamang silang nanonood sa malaking sinehan.

BASAHIN  CEBB: Kakaibang kolehiyo sa likod ng rehas


Hindi raw niya alam kung maraming nanood sa ibang sinehan, pero nanhinayang siya dahil ang
pelikula ay kwento nang pagpunta ni Ferdinand Magellan sa Pilipinas noong 1521.


“In fairness naman sa pelikula, ang ganda nang pagkagawa. Maganda rin ang acting ni Bea
Alonzo at saka mga American actors. Magaling sila, in fairness talaga sa kanya, kaya niyang
mag-deliver ng acting in English.”


Kung ihahambing sa 1521… mas gusto raw niya ang pelikulang Maria Clara at Ibarra, na kung
saan si Barbie Forteza ang bida.


Ayon sa isang dating showbiz reporter, kulang na kulang ang promotions ng pelikulang 1521,
lalo na sa mahigit dalawang milyong Pilipino na nakatira sa Amerika, pati na rin sa mga ibang
lahi na may asawang Pilipina na naninirahan sa U.S.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Pulis na bumunot ng baril sa isang away trapiko sa Antipolo, dinisarmahan na

DINISARMAHAN na at isinailalim sa restrictive custody ang pulis na nasangkot sa road rage sa Zigzag Road sa Antipolo City na naging viral sa...