33.4 C
Manila
Wednesday, July 3, 2024

Comedian joey paras, pumanaw namga artistang senador, tutulong kaya?

PUMANAW na ang komendyante at former Sunday PinaSaya star at bida sa pelikulang
Bekikang na si Joey Paras sa edad na 45.


Hindi sinabi ang sanhi ng kanyang pagpanaw.
Ayon sa Pep.ph ito’y nai-post ng kanyang pamangkin na si Zciara Shyne Sinchon-Fabian sa
Facebook kahapon, Oktubre 29.

Ayon kay Zciara, “To all of our family and friends, we are saddened to announce that our Tito
Joey Paras passed away and joined our Creator this afternoon, October 29, 2023.”


Ayon pa sa report, nasa morge pa ang mga labi ni Joey, at may problema pa sila sa malaking
hospital bill, para maiuwi at maiburol si Joey.

BASAHIN  Lovi Poe, naging emosyonal sa mensahe ni Sen. Grace


Nanawagan ng tulong si Zciara sa ka kanilang mga kamag-anak at maging sa mga taga-showbiz
industry ng tulong para mabayaran nang buo ang hospital bill.


Pwedeng magpadala ng tulong sa GCash: Rossette C. (09664522958), at Zciara Shyne Fabian
(09053414847).


Sinabi ng ilang netizens na dapat kumilos kaagad sina Senators Ramon Revilla Jr., Lito Lapid,
Jinggoy |Estrada at Robin Padilla para matulungan ang pamilya ni Joey na mabayaran ang
pagkakautang sa ospital.

Maraming dokumento ang kailangang bago ang isang senador o ahensya ng gobyerno ay makapagbigay ng tulong, kaya kailangang daw ang agarang tulong mula sa mga nabanggit, na hindi muna hinihingi ang documentary requirements, para mailabas agad ng ospital si Joey.
Lubos pong nakikiramay ang BraboNews sa mga naulila ni Joey.

BASAHIN  P1.4 bilyong vape, nasamsamsan – boc;namamatay dahil sa paghitit ng vape, tumataas

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA