33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

220,000 bagong trabaho saUs$4.2-b saudi investments sa bansa

“MAIKLI pero matagumpay na pagbisita.”
Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahapon, pagkarating mula sa Saudi Arabia,
na kung saan, dumalo siya sa unang summit ng mga lider ng Southeast Asian nations at ang Gulf
states.


Ipinahayag ni Marcos na makasaysayan ang kanyang pagdalo sa Association of Southeast Asian
Nations-Gulf Cooperation Council (ASEAN-GCC) Summit, dahil nagkaroon nang pagkakataon
ang Pilipinas na patunayan ang “rules-based international order”.


Mahalaga raw ito dahil makatutulong ito para magkaroon ng kapayapaan, securidaad at
katatagan sa dalawang rehiyon.


Ayon pa kay Marcos, nagbigay nang pagkakataon ang summit sa mga lider ng ASEAN at GCC
na pag-usapan ang mga pang-rehiyon at pang-internasyonal na mga isyu at pagpayag sa
panghinaharap na kooperasyon.


“I highlighted, in particular, the ways that we can collaborate in the areas of energy, food
security and the enhancement of logistic chains for the continued progress of our global
economy,” saad pa ni Marcos.

BASAHIN  LRT-1 Roosevelt Station, FPJ Station na


Pinag-usapan din sa summit ng mga lider ng ASEAN at GCC ang kanilang pananaw sa
kaguluhan sa Israel at Gaza Strip. Sinabi pa ng Pangulo na dapat manaig ang kapayapaan at ang
kapakan ng mga sibilyan, nang naayon sa international humanitarian law.


Nilagdaan din ng Pangulo ang kasunduan sa pagitan ng EEI Corp. at Samsung Engineering-
NEC Co. Ltd., isang joint venture sa pagitan ng Samsung Engineering at Al Rushaid Petroleum
Investment Corp.


Sa ilalim ng US$120 milyong kasunduan, isang training center para sa 500-katao ang itatayo sa
Pilipinas para mapahusay ang kasanayan ng mga kawaning Pilipino sa iba’t-ibang propesyon sa
industriya ng konstruksyon.


Balak ng pasilidad na mag-train ng 3,000 Pilipino bawat taon at 15,000 sa loob ng limang taon.
Ayon pa kay Marcos, ang mga kasunduan na nagkakahalaga ng US$4.2 bilyon ay magbubukas
ng daan para mabigyan ng trabaho ang 220,000 mga Pilipino sa bansa sa susunod na mga taon.

BASAHIN  29% ng workers, naghahanap ng bagong trabaho

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA