Sinampahan na ng kasong paglabag sa Anti Hazing Law ang 16 na suspek na pawang mga miyembro ng Grand Triskelion matapos ang isinagawang follow up operations sa pagkamatay ng isang biktima ng hazing, kamakalawa sa Quezon City.
Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Acting Regional Director, National Capital Region Police, PBGen. Jose Melencio Nartatez, Jr., iniutos ang agarang pagi-imbestiga at paghuli sa mga suspek na sangkot sa brutal fraternity-related hazing na naganap noong October 16, 2023, na ikinasawi ni v, 25-anyos, 4th year criminology student ng Philippine College of Criminology (PCCR).
Base sa imbestigasyon, nakatanggapĀ ng tawag ang Blumentritt Police Community Precinct 3 ng Manila Police StationĀ Ā bandang 7:00 Lunes ng gabi mula sa staff ngĀ Chinese General Hospital na isang lalaki umano ang dinala sa ospital na nagtamo ng multiple physical injuries.
Bandang 10:00 ng gabi ay inaresto na ng mga tauhan ng PS-3 sinaĀ Justin Artates Cantillo at Kyle Michael Cordeta De Castro na nagdala sa biktimang si Bravante sa nasabing pagamutan.
Doon na napag-alaman na biktima ng hazing siĀ BravanteĀ dahil kapwa opsiyal ng Tau Gamma Phi Fraternity, Philippine College of Criminology (PCCR) Chapter ang dalawa at tumanggap ng initiation rite ang biktima sa mga frat members at ginawa ito sa isang abandonadong building saĀ Calamba St, Bgy. Sto. Domingo, Quezon City.Ā
Ayon pa sa report, dumalo ang mga miyembro ng frat sa kanilang initiation rites at isa isang humampas sa biktima na agad na nawalan ng malay.
Agad na isinugod nina Cantillo at De Castro ang biktima sa Chinese General Hospital pero bandang 6:40 ng gabi ay dineklarang Dead on Arrival na ito ayon sa attending physician.
Sa pagkaka aresto sa dalawa ay kinanta na ang mga pangalan ng kasabwat sa initiation rites na sina Alfred Asinero, Alfredo Bautista, James Edcel Robiso, John Gabriel Cayabcab, Adrian Castro, John Lloyd Bautista, Art Rico, Keith Alcazar, at isang Kenneth na nakatakas.
Base sa imbestigasyon ng SOCO Team mula sa QCPD Forensic Unit, nagtamo ngĀ multiple injuries sa katawan, batok, braso ang biktima, nagkaroon naman ng hematoma sa dalawang binti at may nakita pang paso ng sigarilyo sa dibdib at kamay ng biktima.Ā
Naaresto din ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Unit-(QCPDCIDU) ang anim pang suspek na sina Justin Artates Cantillo; Mark Leo Domecillo Andales; kapwa Deputy Grand Triskelion (DGT); Kyle Michael Cordeta De Castro, treasurer; Lexer Angelo Diala Manarpies, the Master Initiator (MI); John Xavier Clidoro Arcosa; at John Arvin Kaylle Regualos Diocena.
Nasa kustodiya ngayon ng QCPD-CIDU ang mga suspek.
Samantala, sumuko naman noongĀ October 17, 2023 sinaĀ Manarpies at Andales sa tanggapanĀ ng Criminal Investigation and Detection Group, Quezon City Forensic Unit (CIDG, QCFU-NCR) at si Arcosa, na sumuko kasama ang mga magulang sa Police Station 1 ng QCPD at Diocena.
SinampahanĀ ng paglabag sa R.A. 11053, o Anti-Hazing Act of 2018 ang mga suspek sa Quezon City Prosecutorās Office.
āNCRPO respects all fraternity that supports the mission of our organization. We also acknowledge community stakeholders and brotherhood with whom we share the same advocacy.
But I will not and never tolerate abusive acts committed relative to this hazing incident and I assure you, NCRPO will bring justice regarding the death of the victim. I also strongly urge the public with reliable information regarding this incident to immediately report to the nearest police stationā ayon kay PBGen. Nartatez