‘Laos’ na si Lea Salonga, nagka-Covid ulit

Share

PANSAMANTALANG hindi mapapanood si Lea Salonga sa Broadway play na Here Lies Love
na isa siya sa lead performers.


Ayon sa post ni Lea, “Thankfully my overall symptoms were mild, quite a different experience
from my first bout with the virus… Although I did wish to return by the weekend, COVID had
other ideas, so out of an abundance of caution for audiences, co-workers and myself, I opted
to take all the time to rest and heal.”


Ayon sa kanyang post kahapon, dumarami na naman daw ang nagkaka-Covid-19 sa Amerika,
pero ang mga sintomas nito ay hindi kasing-lala noong kasagsagan ng epidemya.


Samantala, isang vlogger, si Rendon Labading o Labador ang paulit-ulit na tinawag si Lea na
“laos” sa kanyang vlog, kahit na wala naman siyang anumang basehan.

BASAHIN  Julie ann san jose, muntik nang maipit sa Israel conflict


Ayon sa ilang netizens, malinaw pa sa sikat ng araw na “hindi laos” si Lea dahil marami pa
siyang projects bilang singer, contest judge, at concert producer. At ang pagtawag sa isang
“national entertainment treasure” na “laos” ay ang pinakamataas na antas ng kabastusan at
pang-iinsulto.


Si Rendon din ang tumawag sa MTRCB na “inutil” dahil pinalusot daw nito ang paghahalikan
ng mag-asawa at senior citizens na sina Tito Sotto at Helen Gamboa sa national TV.

Tinawag pa nito si Tito na (aktibong) senador at lider kahit na wala na ito sa pwesto.


Hindi naman daw dapat na pinapatulan ang “bobo at may zero IQ” na katulad ng vlogger dahil
“puro ngakngak” lang ang alam nito dahil sa “zero sense” ang mga sinasabi.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Benta ng kotse, aabot sa 500,000 ngayong 2024 – CAMPI

AABOT sa mahigit 500,000 ang maibebentang kotse sa 2024. Ayon kay Rommel Gutierrez, pangulo ng Chamber of Automotive Manufacturer of thePhilippines, Inc. (CAMPI) na possibleng...