Kampanya upang ‘wakasan ang digmaan’ nagsimula na

Share

HANGGANG sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine, ang hidwaang Israeli-Palistinian ay patuloy pa ring kumikitil ng buhay at ang civil war sa Sudan ay pinangangambahang magtatagal pa.

Ilan lamang ito sa araw-araw na laman ng mga balita na kahit sa malalayong lugar tulad ng Pilipinas ay apektado sa iba’t ibang paraan tulad ng ekonomiya, pulitika at pati na sa suplay ng pagkain.

Kung tatanungin ang karaniwang mga tao, normal nang maririnig sa kanila na ayaw na nilang manood sa telebisyon ng mga balitang mararahas, umiiwas na mabasa sa mga pahayagan ang tungkol sa giyera at naiinis sa mga hidwaan na makikita sa kanilang mga mobile phone.

Kaya makatuwiran lamang na itanong ng mga tao: Darating ba ang panahon na mawawala na ang digmaan?

Ang tanong na ito ay sasagutin sa mga pahina ng magasing ‘Ang Bantayan’ na ipapamahagi ng mga Saksi ni Jehova ngayong buwan ng Setyembre sa isasagawa nilang pambuong-daigdig na kampanya.

Mahigit 9 na milyong katao ang magboboluntaryo na ipamahagi ang espesyal na isyu ng magasing Bantayan upang malaman ng mga tao ang salig-Bibliyang solusyon kung paano magwawakas ang mga digmaan.

Papaano Magwawakas ang Digmaan at Karahasan? (Photo: jw.org)

“Ang isyu tungkol sa mga digmaan ay regular nang bahagi ng balita, at madami pang mga hidwaan ang mangyayari. Subalit mababasa sa mga pahina ng magasing ito ang magandang mensahe na may pag-asa pa ang mga nagdurusa sa kabila nang laganap na karahasan,” ang pahayag ni James Morales, tagapagsalita ng mga Saksi ni Jehova.

BASAHIN  Paggawa ng perang papel na hindi mapepeke, ibinida online

“Kung nananalangin ka ng kapayapaan sa gitna ng maligalig na daigdig, ang magasing ito ay magbibigay ng kapanatagan at katiyakan––isang tulong na mabawasan ang iyong pagkatakot at pagkabalisa,” dagdag pa ni Morales.

Ang maikli ngunit malaman na magasing ito ay magtatalakay din sa mga paksa, tulad ng:

  • Kung Bakit Nagpapatuloy ang Digmaan at Karahasan
  • Papaano Magwawakas ang Digmaan at Karahasan
  • Paghahanap ng Kapayapaan sa Kabila ng Digmaan at Karahasan

“Nagbigay si Jesu Kristo ng modelong panalangin, at ang pagbanggit niya sa isang ‘Kaharian’ ay nagpapakita na ninanais ng mga tao ang pangmatagalang kapayapaan at isang matatag, makatarungang pamahalaan,” giit pa ni Morales.

Sa loob ng isang buwan na kampanyang ito, mag-aanyaya rin ang mga Saksi sa isang espesyal na pahayag na may kahalintulad na paksa.

Ang 30-minutong pahayag ay bukas sa publiko at ihaharap sa buong mundo na gaganapin sa kanilang mga lugar ng pagsamba na tinatawag na Kingdom Hall. Hindi mangungulekta dahil wala itong bayad.

“Inaanyayahan namin kayong dumalo,” sabi ni Morales. “Makikita ng sinumang dadalo na posible palang mabuhay ng payapa kapag ang isang lider ay patas at puno ng pag-ibig. Ang maririnig ay magbibigay hindi lamang ng kaaliwan kundi isang nagbabagong buhay na pahayag”

Para malaman ang pinakamalapit na Kingdom Hall, bisitahin ang jw.org at maaaring i-download ang magasin sa digital format nito.

IBA PANG BALITA

DSWD: ₱2.7-B ang nawalang pera para sa mga rider kung idinaan sa e-wallet

INIHAYAG ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na posible umanong nawala na parang bula ang halos ₱3 bilyong financial assistance para sa...

Ethics complaint laban kay Dela Rosa puwedeng mabasura

MAY posibilidad umano na mabasura ang ethics complaint laban kay Senador Ronald dela Rosa sakaling magkusa siyang hindi na tumanggap ng sweldo at mga...

Argumento ni Marcoleta tablado kay Luistro

TINABLA ng House Justice Committee ang clarificatory question sa manipestasyon ni Sagip Party-list Rep. Paolo Henry Marcoleta na kumukwestyon sa proseso ng impeachment proceedings...

Tax sa yaman ng pinakamayayaman, pagtaas ng sin tax ipinanukala ni Diokno

IPINANUKALA n Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno na itaas ang buwis sa sin products, bilang kapalit ng dalawang porsyentong mababawas sa value-added tax (VAT)...

Asset ng mga banko sa Pilipinas nasa ₱29-T na

DAHIL sa pagtaas ng lending at paglipat sa pamumuhunan sa government securities, umabot na sa ₱29 trilyong ang kabuuang asset ng lahat ng bangko...