33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Rafah Crossing, hindi pa rin madaanan

Samantala, kahit hindi opisyal na sarado ang Rafah crossing, hindi pa rin makatakas ang mga
banyaga, kasama ang grupo ng OFWs at refugees dahil sa patuloy na air strikes ng Israel sa
parte ng Gaza, ayon sa report ng Reuters.


“We are waiting for the green light for the aid to enter and dozens of volunteers are ready at any
time,” ayon sa opisyal ng Red Crescent.


Sinabi ng dalawang Egyptian security sources na nagkaroon ng ceasefire sa loob ng ilang oras sa
southern Gaza, pero sinabi ng Egyptian state TV na walang ganitong kasunduan sa pagitan ng
Israel at Hamas terrorist group.


Kahit makalabas ng Gaza ang mahigit isang milyon refugees, malabong payagan sila ng
gobyerno ng Egypt na manatili sa kanilang bansa.

BASAHIN  King Charles, may cancer; Susunod na raw kay Princess Diana?

Sinabi pa ng Egypt at ilang Arab states na ang pagpapalayas sa mga Palestinians sa kanilang lupain ay hindi katanggap-tanggap.


Samantala, kahit idineklara ng Philippine Department of Foreign Affairs ang Alert Level 4 sa
Gaza, hindi pa rin ito maipatupad dahil hindi pa rin makalabas ang mga banyaga sa Rafah
crossing.


Matapos ang 10 araw, umabot na sa 1,370 Israelis ang napapatay at 2,670 Palestians, na 65
percent dito ay mga bata at babae.

Tumaas din ang bilang ng hostages sa 199. Hindi pa malinaw kung kasama rito ang tatlong Pilipino na nawawala magmula nang nagsimula ang digmaan.

BASAHIN  Tumaas sa 18,200, mga napatay sa Gaza

Related Posts:

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA