33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Gastos sa kampanya, dapat itaas – Lapid

UPANG matugunan ang epekto ng inflation sa gastusin ng mga kandidato sa kampanya, naghain
si Sen. Lito Lapid ng panukalang batas na naglalayong madagdagan ang campaign expenses sa
national at local elections sa bansa.


Ayon sa Senate Bill No. (SB) 2460, bibigyan nang mandato ang Commission on Elections
(Comelec) na mag-update o magtakda ng limitasyon sa campaign expenses depende sa pabago-
sa kundisyon ng ekonomiya dahil sa inflation.


Aamyendahan ng SB 2460 ang R.A. No. 7166 o ang Synchronized National and Local Elections
and for Electoral Reforms Act of 1991, na nagtatakda ng campaign expenses ng bawat kandidato
sa halalan.


“Mahigit tatlong dekada na po mula nang isabatas ang R.A 7166, at ang tatlong piso hanggang
sampung pisong limitasyon sa campaign expenses kada botante ay wala na pong halaga
ngayon,” paliwanag ni Lapid.

BASAHIN  Retirees, tuturuang magnegosyo ng PTTC


Sa nakalipas na ilang taon, sumadsad na ang halaga ng piso dahil sa inflation na nagdulot ng
pagtaas sa gastusin sa mga aktibidad sa kampanya, kabilang na rito ang advertising,
transportation at campaign materials.


“Sa pamamagitan po nang pag-a-update ng mga gastusin sa kampanya, layunin nating gawing
mas makatotohanan ang badyet sa kampanya at sumasalamin sa umiiral na presyo ng mga
produkto at serbisyo,” dagdag pa ng Senador mula sa Pampanga.


Sa ilalim ng SB 2460, ang campaign expense limits sa bawat botante para sa presidential
candidate ay P50, vice-president ay P40 at P30 para sa senator, district representative, governor,
vice-governor, board member, mayor, vice-mayor, councilor, at party-list representative.


Mananatili ang limitasyon na P5 para sa independent candidate. Samantalang para sa political
parties, itinaas ang ceiling cap mula sa P30 bawat botante.

BASAHIN  45,000 Magiging ‘tambay kapag ipinatigil ang Angkas, atbp.

Binibigyan ng mandato ang Comelec, katuwang ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP),
National Economic and Development Authority(NEDA) at Philippine Statistics Authority (PSA)
para magbago ng limitasyon sa campaign expense kada botante base sa inflation rate at
consumer price index.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA