33.4 C
Manila
Tuesday, June 24, 2025

2 drug pushers laglag sa P170-K shabu sa Navotas

 Laglag ang  dalawang tulak ng illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P170,000 halaga ng shabu makaraang masakote sa ikinasang buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang mga naarestong suspek na sina alyas “Weweng, 43-alyas, residente ng Barangay San Roque, at alyas “Ingkot”, 31-anyos, ng Barangay 163 Zone 14, Tondo Manila.

Sa report mula kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy bust operation sa Gold Rock St., Barangay San Roque matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa illegal na gawain ni Weweng.

BASAHIN  Guro tinadtad ng 16 saksak sa  Negros Occidental

 Bandang 2:15 ng madaling araw ng isagawa ang buy bust at nang tanggapin ng suspek ang P500 markadong salapi mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad na inaresto, kasama ang kanyang kasabwat na si Ingkot

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 25.65 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price (SDP) value na P174,420.00, buy bust money coin purse.

Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

BASAHIN  3 durugista nadakma sa Navotas buy-bust

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

818,000FansLike
50FollowersFollow
93,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA