33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

2 pulis dinampot ng kabaro sa buy bust

Dalawang personnel ng Philippine National Police (PNP) ang inaresto ng kapwa kabaro matapos masakote sa ikinasang  buy-bust operation, kamakalawa ng gabi sa Barangay Poblacion, Muntinlupa City.

Sa nakalap na report mula sa tanggapan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police BGen. Jose Melencio Nartatez Jr., nakilala ang mga suspek na sina Patrolman Rey Palomar Baldonasa, 25-anyos, nakatalaga sa RDEU-NCRPO at Carlos Rivera Navarro, 31-anyos,  nakadeklarang absent without official leave (AWOL) ng PNP at dating naka-assign sa Caloocan City Police Office.

Inaresto ang dalawang suspek ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Muntinlupa City Police Station sa isinagawang buy-bust operation noong 11:50 Miyerkules ng gabi sa Purok 10, Amparo St., Brgy. Poblacion, Muntinlupa City.

Nakumpiska mula sa dalawang suspek ang dalawang 9MM Canik short- firearm, dalawang Canik Magazine, dalawang PNP issued Identification Cards at nasa 10.0 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P68,000.00. 

BASAHIN  2 tulak, nasakote sa buy bust operation sa Navotas

Kinasuhan si Baldonasa at Navarro ng  paglabag sa Article II, Sections 5, 11, at 26 ng Republic Act No. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Republic Act 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition in relation to Batas Pambansa 881 o the Omnibus Election Code.

Ayon kay RD Nartatez, “Naka-issue sa isang aktibong pulis at siya ay ating iniimbestigahan na, itong nag-AWOL he is facing summary hearing proceedings.”

Sinabi pa ni Nartatez na pinipiga na ang dalawa para umanin at kumanta Kung kanino at saan nila nakukuha ang droga para ibenta.

“Kung titingnan niyo pulis hinuhuli ng kapwa pulis kailangan lang natin dito ituloy-tuloy at mabilis yung phasing natin. Di tayo magsasawa, sisiguraduhin po natin yan through the process of course susundin natin lamang ang tamang proseso at ang ebidensiya ay nandiyan” dagdag ng opisyal.

BASAHIN  Mahigit ₱350-K halaga ng shabu, nasabat sa Caloocan

Kasalukuyang nakakulong ang dalawa sa Muntinlupa City Police habang hinihintay ang pagdinig sa kaso.

Pinuri naman ni RD ang Muntinlupa Police sa paghuli sa dalawang tiwaling pulis  at titiyakin ng NCRPO na wawalisin ang mga scalawags na nagpapadumi sa pangalan ng kapulisan

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA