Bumagsak na sa kamay ng Malabon Police ang isang lalaki na nakatala bilang No. 5 top most wanted sa Malabon City matapos masakote sa ikinasang manhunt operation, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong akusado na si alyas “Mark” na naaresto sa Gov. Pascual Ave., Brgy. Potrero bandang 11:05 kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ni Col. Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagsagawa ang mga tauhan ng Malabon Police Warrant and Subpoena Section, katuwang ang 4th MFC-RMFB-NCRPO ng manhunt operation kontra sa wanted persons na nagresulta ng pagkakaaresto sa akusado.
Ang akusado ay dinakip ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Malabon City Regional Trial Court (RTC) Branch 73, Presiding Judge Catherine Therese M. Tagle-Salvador na may petsang September 6, 2023 para sa kasong Statutory Rape (under Art. 266-A, Par. 1 (D) of the RPC, as amended by R.A. 8353 and R.A. 11648)Â (2 counts).
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Malabon CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte