33.4 C
Manila
Monday, January 20, 2025

P200-K shabu pustahan sa cara y cruz sa Taytay

Arestado ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng shabu na nagkakahalaga ng P200,000 nang hulihin sa illegal na pagsusugal ng cara y cruz na kung saan shabu ang pustahan, kamakalawa sa Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal.

Kinilala ni PLtCol. Gaylor F Pagala, hepe ng Taytay Municipal Police Station ang mga naarestong suspek na sina Merilyn Datalio y Yap, alyas Len, 45-anyos at Victor Cruz y Talosig, 46-anyos, kapwa residente ng Taguig, City.

Ayon sa report, inaresto ang mga suspek bandang 6:40 kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng C6 Road, Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal matapos magsagawa ng illegal gambling operation ang Taytay Police makaraang makatanggap ng tip na talamak ang sugalan na kung saan shabu ang pustahan.

BASAHIN  BI, Pulisya, binatikos ni Tulfo kaugnay ng POGO raid

Naaktuhan ang dalawang suspek na nagka-cara y cruz at agad na inaresto habang nakatakbo naman ang ilang miron na tumataya sa sugal.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang tatlong piraso ng one-peso coin na ginamit sa iligal na pagsusugal, tatlong pakete na naglalaman ng shabu na may bigat na humigit kumulang 35 gramo na nagkakahalaga ng P238,000.00, bet money na P 300.00 at coin purse

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Taytay Custodial Facility at sinampahan  ng kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-Illegal Gambling Law at R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

BASAHIN  Aktor huli sa estafa

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA