NCRPO paiigtingin ang paglaban sa cybercrimes

Share

SINABI kahapon ni NCRPO Acting Regional Director PBGen Jose Melencio Nartatez Jr. na
determinado ang kanyang tanggapan na hadlangan ang cybercrimes sa buong bansa.


Lalo itong lalakas matapos magtapos ang 233 pulis sa Basic Cybercrime Investigation
Seminar sa kanilang headquarters sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Kasabay sa pagtatapos ng seminar ang paglunsad ng Anti-Cybercrime Desks (ACD) sa iba’t
ibang himpilan ng pulisya sa buong Metro Manila.


Inisyatibo ng NCRPO na patuloy na pagbutihin ang kasanayan at kaalaman ng pulisya sa
pagtugon sa cyber-related crimes, saad ni Nartatez.


Samantala, sinabi niya na mayroon ng sistema para makapag-reklamo ang mga mamamayan
gamit ang text o SMS, o kaya’y e-complaint desk, e-complaint text/hotline number, o iba pang
paraan (maski personal) para ang duty officer ay agad maaksyunan ang reklamo.

BASAHIN  2 drug pushers laglag sa P170-K shabu sa Navotas


Nilinaw ng heneral na maaaring tumugon ang ACD kahit sa kaugnay na krimen gaya ng child
pornography, anti-online sexual abuse or exploitation of children, at anti-child sexual abuse.
Maaaring bisitahin ang Facebook page ng NCRPO para sa detalye.

IBA PANG BALITA

Ang Huling Sayaw: Isang Kuwento ng Pamilya Romanov ng Rusya

SA simula ng ika-20 siglo, ang Russia ay isang bansa na puno ng kontradiksyon. Sa isang dako, naroon ang maringal na Winter Palace sa...

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

Nabentang Corvette, kay Kathryn talaga, hindi kay Daniel?

MARAMI ang nagulat sa report ni Cristy Fermin sa sports car naibenta ni Daniel Padilla,dahil si Kathryn Bernardo daw talaga ang tunay na may-ari. Ang...