Totoy patay sa dinaluhang B-day

Share

Patay ang isang menor de edad nang pumatol sa kaaway na 21-anyos gamit ang kutsilyo na kapwa nagkainitan na nauwi sa patayan sa dinaluhang birthday party sa Navotas City.

Sa report ni Col. Mario Cortes, hepe ng Navotas police, kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nangyari ang duwelo ng dalawa sa birthday party bandang alas-9:00 Lunes ng gabi sa may Tulay Uno, Daang Hari St., Brgy. Daang Hari.

Nabatid na nagtalo ang dalawa sa hindi malamang dahilan hanggang sa makita na bumunot ng patalim ang suspek at inundayan ng sunud-sunod na saksak ang biktimang binatilyo.

Nagresponde sina P/EMS Guiama Ibrahim, P/SSg Antonio Donato at P/Cpl Petty Bordallo ng Malabon Police Sub-Station 2 saka ginawa ang imbestigasyon.

BASAHIN  Aktor huli sa estafa

Hinanap ng mga pulis sa mga ospital ang suspek na si alyas Jerome hanggang matunton sa Tondo Medical Center dakong alas-12:10 ng madaling araw ng Martes at doon na inaresto habang nakaratay  pa sa hospital.

Nagtamo ang suspek ng saksak malapit sa kanang kili-kili at bantay sarado ng pulis hanggang tuluyang gumaling ay saka na dadalhin sa kulungan.

Habang dead on arrival naman  sa Navotas City Hospital ang menor-de-edad dahil sa mga saksak sa katawan.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang insidente kung may iba pang sangkot sa pagpatay sa menor de edad

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Science HS sa Bacoor, Marikina pinasinayaan ni Angara

PINASINAYAAN ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara ang dalawang science school na itinayo sa Bacoor City sa laalwigan ng Cavite at Marikina City sa...