Dating mmda chair bayani fernando, inihatid na sa huling hantungan

0

INIHATID na sa huling hantungan si dating MMDA Chair at Marikina Mayor Bayani Fernando,
(BF) kahapon, alas-10 ng umaga sa Loyola Memorial Park, Marikina.


Bago pa ito, pinangunahan ang isang misa ni Rev. Fr. Lamberto Ramos, parish administrator,
Diocesan Shrine at Parish of Our Lady of the Abandoned sa Queen of Angels Chapel,
Riverbanks, Marikina.


Ilan sa mga opisyal ng gobyerno nagbigay nang huling respesto kay BF sina Vice-President
Sara Duterte, Senador Sherwin Gatchalian, Marikina Mayor Marcy Teodoro at Vice Mayor
Marion Andres, at MMDA Acting Chair Don Artes.


Nagpasalamat si Ligaya Fernando-Amilbangsa, kapatid ng dating mayor, sa lahat ng mga
nagpaabot nang kanilang pakikiramay.


Sinabi niya, “Sana ang ginampanan ng aking kapatid sa ikabubuti ng bayang Marikina at ng
buong Pilipinas ay inyong matandaan at maisalin pa sa mga susunod na lahi sa bayang
Marikina.”


Sa panunungkulan ni BF bilang mayor ng Marikina, nagkaroon nang disiplina sa mga
kalsada, naging isa ito sa pinakamalinis ng lungsod sa bansa, tumaas ang koleksyon ng buwis,
at naging propesyonal ang paglilingkod ng mga kawani ng lokal na pamahalaan.


“Kapatid na Bayani, kinararangal ka namin, ng inyong mga kapatid, lahat ng kadugo, kaangkan.


Kinararangal ka ng iyong maybahay si Marides, ng iyong Unica Hija si Tala, at ng iyong
manugang na si Paul at iyong tatlong apo,” saad ni Ligaya.


Nang matapos ang misa, nagkaroon nang mahabang parada simula alas-nuwebe ng umaga,
habang patungo sa Loyola Memorial Park.


Binigyan din ng gun salute si BF ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP),
kasabay nang sabay-sabay na sirena bilang pagbibigay pugay sa dating mamababatas.


Nasawi si BF nitong Biyernes ng hapon, Setyembre 22, dahil sa aksidente. Siya ay 77 taong
gulang.


Taos-puso pong nakikiramay ang staff ng Brabo News sa mga naulila ng isang mahusay,
matalino, at matulunging lingkod-bayan.

About Author

Show comments

Exit mobile version