Walang personalan, Trabaho lang

0

Para huwag nang gumastos ang DOT sa scandalous video na Love the Philippines, palit-title na lang, gawing Love the Philippines, Thailand, Indonesia, UAE, para mas factual, total kuha naman sa mga nabanggit na bansa ang ilang video clips. He, he, he. Sikat na abogado, nagtuturo nang mali! Reaction ng ilang netizens sa kanyang TV interview na posted sa YouTube.

Tungkol pa rin ito sa DOT video. Hayyyy, naku. Ilang ulit ginamit ni Mr. Lawyer ang salitang
“VIDEO FOOTAGES” na obviously, wrong grammar. Absent siguro siguro si Sir sa English 001 nang itinuro ang salitang “FOOTAGE” ng kanyang titser.


Wala pong plural ang “footage” sa video footage, kasi ang ugat na salita nito ay foot, na ang plural ay feet.


Dapat kaya sabihin na lang na FEETAGE? He, he. Seriously, sa halip na VIDEO FOOTAGE, gamitin na lang ang VIDEO CLIPS, kung gusto ninyong plural.


Libre daw at walang ibinayad sa DDB Philippines ang DOT sa Love the Philippines video. Wow, nakaka-touch naman! Gusto naming magpagawa ng libreng promo video sa kanila: Philippine Deep: 36,000 Feet of Pure Excitement! Dahil sumabog na ang Titan submersible, humanap na lang sila ng ibang submersible na gagamitin sa shoot.


‘Till next time!

About Author

Show comments

Exit mobile version